Home / e-Books / Can't You See That I Love You ePub

Can't You See That I Love You ePub

Can't You See That I Love You ePub ebook download
“Nababaliw na nga siguro ako dahil lapit pa rin ako nang lapit sa `yo kahit ipinagtatabuyan mo lang ako. Pero mas ikakasira yata ng ulo ko kapag sinunod ko ang gusto mo na lumayo sa `yo.”

Mula nang makilala ni Chrisnelle ang batikang manunulat na si Ashley Sandoval ay hindi na natahimik ang mundo niya. Kung hindi ito tumatambay sa opisina niya ay kinukulit naman siya nito. Ginawa na niya ang lahat para lubayan siya nito. Naroong tarayan at ipagtabuyan niya ito, pero lahat ng iyon ay bale-wala rito.

Malapit na siyang mawalan ng pag-asa na titigil din ito sa pangungulit sa kanya. Hanggang sa yayain siya nito sa isang party. Hindi siya pumayag noong una. Pero nang sabihin nitong hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya pagkatapos ng date nilang iyon ay napapayag din siya. Iyon na ang nakita niyang solusyon sa problema niya.

True enough, pagkatapos ng first date nila, hindi na ito nagparamdam sa kanya. Wala nang Ashley na tumatambay sa opisina niya, wala nang tumatawag, at wala nang nangungulit. Balik sa pananahimik ang mundo niya.

Ngayon ay may bago siyang problema. Kailangan niya si Ashley para guluhin uli ang mundo niya. Pero nasaan na ito?
download Can't You See That I Love You ePub